Naisip mo ba kung anong klaseng mga bangka ang mga nasa larawan sa itaas? Marami sa atin ang may malimit na kaalaman lamang sa bangka na ito dahil hindi natin binibigyan ng kahalagahan ang mga ibang kultura ng Pilipino. Madalas, inaatupag lamang natin ang sarili natin at pinapansin ang mga kulturang ating nagagamit sa ating araw-araw na gawain. Ngayon, maglalahad ako ng isang detalyeng impormasyon tungkol sa isang kulturang Pilipino na naaalam ng mga tao sa pangngalan lamang, ngunit hindi inaalam kung ano ang kahalagahan nito sa kulturang Pilipino. At ang kagamitan na iyon ay isang bangkang nangngalang, vinta.
Historya:
Sa panahon ng ating mga ninuno, nakagawa na sila ng mga bangkang ginagamit nila upang lumakbay sa mga iba't-ibang pulo o lalawigan. Ang vinta ay sumikat bilang sasakyang pangdagat ng mga Muslim. Ang vinta ay karaniwang tapake na nilagyan ng malaking layag na hugis tatsulok nuong una at cuadrado pagkatapos gayahin ang layag ng mga taga-Europe na dumayo sa Asia. Ang mga tao sa mga kapuluan mula Basilan hanggang Tawi-Tawi, ang mga Bajao, Samal at iba pang Lutao (‘laut tao’ o taong dagat), ay karaniwang namahay sa kanilang mga bangka. Bihira silang lumapag sa lupa, madalas upang ilibing lamang ang patay, kaya lumaki silang bihasa sa paglayag sa dagat. Deskripsyon:
Ang vinta ay isang sasakyang pandagat ng mga sinaunang mga Muslim sa Mindanao. Ang mga bangkang ito ay makukulay at nakakaakit mata sa mga taong nakakatanaw sa mga ito. Ginagamit ito bilang transportasyon papunta sa iba't-ibang mga kapuluan. Dahil sa mga makukulay na mga desenyo ng vinta, ito ay nagiging simbolo ng kulturang Pilipino bilang isang malikhain na kultura. Ang vinta ay nagsilbing unang kaalaman upang makagawa ng transportasyong pandagat. Hangang ngayon, gumaganda pa lalo at nagiging masmoderno ang mga sasakyang pandagat.
Ang Nakakaakit Tingin na Bangka ng mga Pilipino
Introduksyon:
Naisip mo ba kung anong klaseng mga bangka ang mga nasa larawan sa itaas? Marami sa atin ang may malimit na kaalaman lamang sa bangka na ito dahil hindi natin binibigyan ng kahalagahan ang mga ibang kultura ng Pilipino. Madalas, inaatupag lamang natin ang sarili natin at pinapansin ang mga kulturang ating nagagamit sa ating araw-araw na gawain. Ngayon, maglalahad ako ng isang detalyeng impormasyon tungkol sa isang kulturang Pilipino na naaalam ng mga tao sa pangngalan lamang, ngunit hindi inaalam kung ano ang kahalagahan nito sa kulturang Pilipino. At ang kagamitan na iyon ay isang bangkang nangngalang, vinta.Historya:
Sa panahon ng ating mga ninuno, nakagawa na sila ng mga bangkang ginagamit nila upang lumakbay sa mga iba't-ibang pulo o lalawigan. Ang vinta ay sumikat bilang sasakyang pangdagat ng mga Muslim. Ang vinta ay karaniwang tapake na nilagyan ng malaking layag na hugis tatsulok nuong una at cuadrado pagkatapos gayahin ang layag ng mga taga-Europe na dumayo sa Asia. Ang mga tao sa mga kapuluan mula Basilan hanggang Tawi-Tawi, ang mga Bajao, Samal at iba pang Lutao (‘laut tao’ o taong dagat), ay karaniwang namahay sa kanilang mga bangka. Bihira silang lumapag sa lupa, madalas upang ilibing lamang ang patay, kaya lumaki silang bihasa sa paglayag sa dagat.Deskripsyon:
Ang vinta ay isang sasakyang pandagat ng mga sinaunang mga Muslim sa Mindanao. Ang mga bangkang ito ay makukulay at nakakaakit mata sa mga taong nakakatanaw sa mga ito. Ginagamit ito bilang transportasyon papunta sa iba't-ibang mga kapuluan. Dahil sa mga makukulay na mga desenyo ng vinta, ito ay nagiging simbolo ng kulturang Pilipino bilang isang malikhain na kultura. Ang vinta ay nagsilbing unang kaalaman upang makagawa ng transportasyong pandagat. Hangang ngayon, gumaganda pa lalo at nagiging masmoderno ang mga sasakyang pandagat.
Sources:
http://www.doe.gov.ph/ER/archives/win_opp/cd/vinta2.jpg
http://www.pacific-tall-ships.com/Vinta.htm
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Cynthia/Mindanao/mindanao_culture.htm
http://www.bayanihannationaldanceco.ph/news/voyageforlove.htm
http://www.elaput.org/mig2boat.htm